Chapter 1. The Formation of TCC
Ikukuwento ko kung paanu nag-umpisa at kung anu ang TCC or The Cordillera Connection. Para po makilala ng mga kasama natin, ang mga followers pati na rin mga bashers kung anu ang history at mga nagawa ng TCC. Eto rin ang kwento ng mga paghihirap namin dito sa London hanggang sa naka-establish o nakaluwag kami, dahil kasama yan sa history ng TCC. Eto ay para malaman din ng mga kasama at mga dating kasama sa TCC sa iba’t ibang bansa at sa Pilipinas. Ako lang kasi ang may alam kung paanu nabuo ang TCC at ngayon ko lang sasabihin eto. Eto ay para maliwanagan ang lahat sa kinakalat ng mga naninira sa atin at salamat diyos, hindi umobra. Pinagpiyestahan lng ng mga mahilig sa chismis pero hindi tumalab sa kasalukuyang political advocacy ng TCC sa Benguet. Ginagawa natin ito para maliwanagan ang marami sa mga kakailian sa Benguet na inulaw ng kurap na politiko na hanggang ngayon, marami pa rin ang hindi naiintindahan kung gaanu kasama ang ginawa sa ating probinsya. Marami pa rin ang nag-aakala na gumanda ang ating probinsya dahil daw sa politiko na eto at marami daw natulungan na mga kakailian. Di pa rin nila naiintindihan na ginamit lang ang probinsya pati mga kakailian natin para magnakaw sa pondo ng gobyerno.
Paanu nabuo ang TCC? Ako po ay dumating dito sa London noong 2009 hawak ang student visa. Maganda naman po ang trabaho ko sa Pilipinas noon pero uso po kasi sa panahon na yun ang pag-aabroad gamit ang student visa dito sa London kaya naengganyo ako at dahil nauna na dito ang girlfriend ko na syang naging asawa ko ngayon. Nag-aaral po kami habang nagtratrabaho. Sa student visa rules, 20 hours lng ang pwede naming trabaho na legal sa mga nursing homes o hospital per week, kaya ang iba nagtatrabaho under the table o cash on hand gaya ng pagnananny o pagbabantay ng bata (kung babae ka), paglilinis sa mga bahay o kung anu mang pwedeng trabaho na cash ang bayaran dahil bawal kapag lumagpas ka sa 20 hours. Madedeport ka kapag nahuli ka. Sa aming mga lalaki, walang masyadong mapasukan na ganun kaya ako 20 hours lang ang pwede. Pero noong bago palang akong dating dito sa London, nasubukan ko na maglinis linis, at magtrabaho sa isang Jewish take-away shop. Nasubukan kung pumasok sa loob ng malaking basurahan na pinahugasan sa akin. Sa karanasan ko hindi pangmatagalan ang mga trabaho na ganon dahil minsan hindi ka tatawagan. Ganun kahirap ang naranasan ko dito noong una. Kahit naman sino na pupunta dito na student visa, halos ganun ang kapalaran. Professional ka man sa atin, doctor, engineer or attorney, may mga police pa nga, kelangan mong lunukin ang pride mo for survival dito. Marami ang hindi nakayanan at umuwi na lamang. Kami ay nagtiis at nagtuloy tuloy lang. Ang unang kurso ko ay NVQ in Health and Social Care o isang vocational course para sa qualification ng mga magtatrabaho bilang mga carers sa mga nursing homes o hospital. Noong 2010, napag-aralan ko na walang career progression ang course namin na eto dahil kapag natapos kami at walang mapasukang trabaho na magsponsor sa amin para bigyan ng work permit, ibig sabihin kelangan naming umuwi sa Pilipinas o kaya mag-aral muli para lang makakuha ulet ng student visa para lang magtuloy pa kami dito sa London. Dahil dito marami sa mga kababayan natin ang umuwi na lamang o lumipat sa ibang bansa o kaya nagTNT dito sa UK. Ako naman pinag-aralan ko kung anung pwedeng kung gawin para makakuha ng work permit o work visa. Tatlo ang most possible ways para dito, Una, kung may magsponsor na employer para sa work permit, Pangalawa, kung makapag-asawa ka ng may work visa o kaya citizen. Obviously, Malabo sa akin yung dalawang options lalo na ang pangalawa dahil hindi ko naman pwedeng iwan ang aking girlfriend para lang magkaroon ng magandang papel dito. Etong pangatlo ang pwede sa akin, yung mag-aral ako ng Bachelors Degree Level, Masters or Doctoral degree para mabigyan ako ng post-study work permit kapag natapos ko ang kurso. Ang post-study work permit ay syang daan para makakuha ng full work permit hanggang sa settlement dito sa UK. Iyon lang pwede sakin kaya un ang tinahak ko. Nag-enrol nga ako ng Masters Degree dito sa London. Jan ngayon nag-umpisa kung paanu ko binuo ang TCC.
Nag-aral at nagtapos po ako ng Master in Business Administration or MBA dito sa London. Actually, dalawa ang Masters Degree ko dito sa London. Dahil noong 2018, nakapagtapos pa ako ng isang masters degree. At topic ko rin po yan in the future. So noong last quarter ng 2010, nag-enrol po ako ng MBA or Master in Business Administration na post-graduate program ng University of Gloucestershire. Natapos ko po eto noong March 2012. Bago nga pala ako ng-enrol noong 2010, nakapasok ako sa agency na NHS Professionals na noon ay provider ng mga temporary or agency staff ng mga majority of National Health Service Hospitals dito sa UK. At doon ako nakakapagtrabaho as Healthcare Assistant o Nursing Aide habang nag-aaral. Siyempre 20 hours per week pa rin ang allowed at full time lng kapag term breaks. Yun po ang bumuhay sa akin habang nag-aaral ng MBA. Napalitan ng pag-asa yung masalimuot na situation noong unang dating namin na napakahirap at napaka-stressful. Maswerte ako at nakakapagtrabaho ako sa iba’t ibang hospitals sa London na hawak ng NHS Professionals. Iilan po sa mga katulad kong student visa holders ang mapalad na makapasok sa ganung opportunity. Nagtuloy nga ako sa pag-aaral habang nagtatrabaho naman na part- time. So anu naman ang relasyon ng pag-aaral ko ng MBA sa pagkabuo ng TCC? Since ang MBA ay tungkol sa pagmamanage or administration ng Business, napag-aaralan naming ang mga iba’t ibang theories at strategies sa pagpapatakbo ng isang business organisation. Dito ako nagkaroon ng idea na magset-up ng group or organisation para maiapply ko ang mga napapag-aaralan ko. Parang practice ko sa pag-set-up at pagpatakbo ng isang organisation.
Noon po ay umuuso ang mga groups at pages sa social media particularly facebook. Naisip ko na umpisahan ko sa social media dahil un lng naman ang kaya kong gawin sa panahon na yun. Isa pa, natutuwa ako sa mga ibang groups at pages na nauna na tulad ng I love Cordillera at One Cordillera. Paramihan sila ng members at nakikita ko ang mga rules na nilalatag ng mga admins. Sabi ko, parang business or community organisation eto na may structure. So noong September 21, 2011, nagcreate ako ng Facebook Page na The Cordillera Connection. Noong panahon na yun, hindi ko pa nakikita ang difference ng facebook group at facebook page. Yung mga una kong post ay walang hatak o walang reactions. Nakikita ko ung mga groups tulad ng I Love Cordillera na maraming interactions dun lalo na sa mga katuwaan na post. Kinabukasan, September 22, 2011 ay nagcreate naman ako ng facebook group na The Cordillera Connection. At pakay nga nito ay connecting the people of the Cordilleras. Ang The Cordillera Connection Facebook group ang nagkaroon ng maraming interaction kaya nagrecruit ako ng mga unang admins at meron naman mga naging interested. Ang mga post lng po noon ay halos mga kenkoy at katatawanan. Doon po nagiging active ang mga admins na narecruit ko. Ung mga iba ay mga kakilala ko, ang iba naman ay mga totally strangers na willing maging admin. Etong The Cordillera Connection page naman ay hindi masyadong pinapansin dahil wala pa siguro ang mga algorithms para humatak ng likes. Wala pa noon ang mga monetisation programs ng Facebook. Noon po ay hindi ako nag-assign ng ibang admins sa dito sa TCC Page dahil walang interactions. Sa TCC Facebook group po ako nag-assign ng ibang mga admins para may taga regulate sa mga posts at comments. Nitong 2020 lng po ako ang nag-assign ng ibang admins sa TCC page para may magreply naman sa queries. So hindi po totoo na sinarili ko ang TCC page na ito. From 2011 hanggang 2019 po ay ako talaga ang admin nitong TCC page na eto dahil wala masyadong active interaction sa page nato. Sa TCC facebook group po active ang mga members. Wala po ako kausap para itayo ang TCC Page at TCC group. Itinayo ko lamang sya na mag-isa. Unti unti lamang lumaki at nagkaroon ng direction sa mga sumunod na mga taon. Pinalitan ko po ang pangalan ng TCC Facebook group ng The Cordillera Binadangan Connection, Incorprated- TCBCI noong April 2025 dahil sa mga supporters ng TCC na mga pro-Yap na ayaw nilang nagpopost ang TCC page ng kontra kay Yap. Gusto nila pro-Yap din ang TCC. Yun ay hindi ko matiim kaya ihiniwalay ko ang TCC Page sa TCC group. Noon ay nakkiita ko na ang di magandang ginagawa sa ating probinsya. Kaya nagmission ako na labanan ang mga maling information na umuulaw sa mga kakailian sa Benguet.
Yan po ang storya kung paanu nabuo etong TCC facebook page at TCC facebook group. Sa susunod po na content ay tungkol naman sa mga accomplishmensts, struggles, at downfalls ng TCC, kung paanu pumasok ang ibang members at admins sa facebook group at kung paanu naging charity ang TCC.













